E-Load Business vs. Sari-Sari Store: Alin ang Mas Bagay sa'yo?

4:55:00 PM

 

Naghahanap ka ba ng mga small business ideas? Marahil ay naisip mo nang magbukas ng iyong sari-sari store, isa sa mga pinaka popular at patok na small business sa Pilipinas. O baka naman mas interisado ka na magbukas ng e-load business na talaga namang on the rise ngayon kahit saan.

If you’re torn between opening an e-load business and a sari-sari store, here are some of the things that you may want to consider.

1.    E-Load Business: Pagpasok sa Mundo ng Online Load Selling
Ano nga ba ang E-load business? Traditionally, an E-load business involves selling electronic load from telecommunication companies (Smart, Globe, atbp) to a user’s cellphone. Isa ito sa mga tanyag na small business ideas noong early 2000s.

Ngayon, malaki na rin ang pinagbago ng E-loading business scene. Hindi na lamang pang-text o pantawag ang maaari mong ibenta sa iyong mga customer. Nariyan na ang mga online credits sa mga e-wallet (Paymaya, Globe, ShopeePay), surfing and data load para sa mga on the go na customer, at pati na rin ang mga game credits.

2.    Bakit convenient ang E-load business?
The best part about E-load business is its low overhead and maintenance costs. Kailangan mo lamang ang iyong cellphone at load credits and you’re ready to go. Hindi naman maikakaila na halos lahat satin ay mayroong cellphone na capable na ng internet connection.

Hindi mo rin kailangan ng malaking physical space to start your E-load business. A simple tarpaulin or poster outside your house is enough to let your neighbors and potential customers know that you have an E-load business. 

3.    Sari-Sari Store: Tradisyonal na Negosyo sa Komunidad
Ang sari-sari store ang pinaka popular na small business sa Pilipinas. Hindi lang ito paraan para kumita, parte na rin ito ng kulturang Pilipino. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit sobrang sikat na small business idea ang isang sari-sari store?

Hindi ka mawawalan ng customers sa sari-sari store. Dahil basic needs and commodities ang iyong produkto, lagi kang magkakaroon ng common customers na talagang bibili at mangangailangan ng iyong mga paninda.

Ang puhunan sa pagsisimula ng isang sari-sari store can range anywhere from 5,000 Pesos to 10,000 Pesos, depende sa kung gaano kalaki ang gusto mong tindahan at kung gaano karaming stock ang gusto mong simulan.

4.    Bakit convenient ang sari-sari store?
Malaki ang safety net ng isang sari-sari store. The best part of having a sari-sari store is that it can double as your source of necessities. Kung mayroon mang produkto na hindi mabenta o hindi kasing patok sa ibang mga produkto, maaari niyo parin itong mapakinabangan sa bahay.

Hindi mo rin kailangan lumayo para magsimula ng sari-sari store. If you find a small corner or a window at your home that can be turned into a store, that is all you need for a physical space.

5.    E-load Business VS Sari-sari store: Alin ang Mas Bagay para sa'yo?
Nakadepende ang pagpapasiya kung gaano kalaki ang iyong puhunan. Tandaan na maaaring mas malaking puhunan ang kailanganin mo sa isang sari-sari store. Mayroon ring overhead costs sa isang sari-sari store, dahil kailangan mo mag-set up ng iyong tindahan, kasama na dito ang mga shelves at iba pang signages para sa iyong sari-sari store.

Ang e-load business ay mas safe at mas maliit ang kinakailangang puhunan, ngunit maaari ring mas maliit ang return of investment nito kumpara sa sari-sari store. Mas maganda ang e-load business kung hindi ito ang iyong primary source of income at gagawin mo lamang sideline or secondary source of income.

Until next time.

Cheerios!

***Hollie***

You Might Also Like

0 Comments

Leave me a comment and I'll get back to you as soon as I can. ^_^

Get new posts by email:
Creative Commons License
Random Beauty by Hollie is licensed under a Creative Commons 4.0 International License.